Text

Read. Wait!! Don’t read it.

I am going to write about it here not because I am a coward nor am I a backstabber. I decided to write and talk about it here because my tone and my facial expression won’t mislead what I am about to say.

(I usually come across as rude or angry when I am explaining things in person. You might think, “well, maybe you are really rude and/or angry, I mean action does speak louder than words”. And my response to that is No. Whatever.) 

I am writing it here because I can’t explain myself well in person. I just can’t. I am just the worst explanator. Period. Anyway. And I am going to write it in the English language because I don’t have a wide vocabulary and that will control me.   (I don’t even know if I am still making any sense. yeh. whatever.)


So what is up? Well, it’s summer. And summer means out-of-town trips. Travel. Let’s go here and there. Hang out. Which basically means expenses. My point is I can’t just go out of our house and have fun. That does not mean I don’t want to hang out. That does not mean I don’t like my friends. And that does not mean I am not a true friend and I’ll just forget and drop years of friendship. No. That’s not it. I can’t go out because I can’t afford it. No. I can’t ask money from my parents/sister/relatives. Not because I am embarrassed. I don’t ask for money because there are much more important things to spend on. And spending money for my pleasure is just too selfish.

Why can’t some people understand that one simple fact? I have no money. I’m broke at the time being. Do I have to tell it over and over again? So please stop getting upset when I, almost always, don’t join the group for a great summer escapade.

On the lighter side of things, I do appreciate the invitations. It means you remember me and you want to spend some time. And that is a good thing. I’ll just focus on that.

(Source: angpaboritongaponiagatona)

Text

Apat na Taon (Four Years)

This is going to be long. I suggest for you not to read it. :)

June 15, 2008.

Isang araw bago ang unang araw ng klase bilang kolehiyo. Umiyak ako ng gabing yun dahil labag sa loob ko ang pag-aral na malayo sa pamilya ko at mga kaibigan ko. Maaaring sabihin ng iba na masyado akong emosyonal sa ganoong sitwasyon. Pero di mo rin ako masisisi dahil sa sobrang bata ko pa noon at hindi ko hawak kung anong gusto kong mangyari.

June 16, 2008.

Pumasok ako ng hindi pa tapos gawin ang entrance gate. Tandang-tanda ko pa na para akong nawawalang bata. Wala akong kilala. Nakikita ko yung ibang tao na nagkakamustahan. Pero ako, nakatayo sa isang gilid pinagmamasdan yung mga taong natatalapid sa maliit na butas sa may entrance. 

Tanda ko pa na kinausap ako ng isang babaeng kulot na may kasamang maliit na babae na maputi. Hindi ko inaakalang yung maliit na babaeng yun ay magiging parte ng buhay ko. 

Umakyat ako ng third floor kung nasaan ang unang klase ko. Isa ako sa mga unang dumating. Hindi pa nga ako makapasok nun sa room dahil nahihiya ako. Baka mali ako ng room. Mga typical na bagay na kinakanerbyos ng isang bagong salta. May kumausap sa aking babae. Tinanong niya kung doon ba ang room ng ABC 101. Umoo ako. Hindi ko din inaakala na isa siya sa magpapasaya ng buong buhay ko sa kolehiyo.

Isa-isang nagdatingan ang mga kaklase ko. Madami kami. Nasa trenta din. Meron mga taong mukhang dalagang dalaga na. May mga mukhang matagal ng magkakilala. Meron din naman nakatingin lang sa mga kasama at ngumingiti lang…ako yun.

Dumating ang isang propesor pero hindi siya ang talagang propesor namin sa Philippine Constitution. Ilang linggo din bago namin nakilala ang tunay naming propesor. 

Isang malaking adjustment period, emotionally, ang buong unang taon ko sa kolehiyo. Nanibago ako dahil sa mga punto ng mga kaklase ko. May mga salitang di ko alam. Nakakatuwa pero wala pa din akong naging kaibigan.

School. Bahay. School. Bahay.

Yan ang buhay ko nung unang taon. Hindi ko alam kung kailan. Hindi ko alam kung paano. Pero isang araw nagising na lang ako na may kasama ako tuwing lunch break. May kakwentuhan tuwing free time. May kasabay kapag uwian. May kakulitan tuwing may klase at group work. May kasamang kumain sa Point Square. Mcdo. KFC. Shakey’s. Mang Inasal. Jollibee. Chic boy. SM Dasma. at kwek-kwek.

Ngayon isang araw na lang ang amin pagsasamahan bilang isang klase. Exam pa. Ewan ko na lang kung makauwi kami ng hindi luhaan. Di dahil hindi namin alam kung papasa kami sa exam. Kundi dahil alam namin na hindi na ganoon kadalas ang aming pagkikita. Lalo na ako. Kung nanaisin ko naman pupwede ko sila makita, kaso di kaya, sa ngayon, ng bulsa ko. Babalik na ko ng Rizal. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita na kumpleto ang lahat. 

Sigurado magtatampo ang mga kaibigan ko sa Rizal dahil sa pahahalaga ko sa mga kaklase/kaibigan/kapatid kong ABC 101 - ABC 401. Pero iba talaga dahil sa loob ng apat na taon kami lang ang magkaklase. May dumadagdag at bawas pero iisa pa din kami. 

Nagkakainisan. Nagkakayamutan. Nagkakapisikalan. Pero lahat kami napamahal na sa isa’t isa. Sana makasama ko pa ulit

ang mga tropa ko: Mami Reg, Marner, Chimineya, at Joda.

Ang tropang pusa: Kiem, Nisha, Baby, Elaine, Aki at Jenel.

Ang tropang jacket: Tichor, Kaycee, Digz, at Chinx

Ang IGOP boys: Carlo, RR, Torda, Paul, at Jhaboi

Ang Tropang Tungaws: Paxo, Fefe, Melai at Luces

Ang Tropang Komang: Rhem, Deebee, Loraine at Rhea.

Sa mga nausong salita: “Boring”, “Kitil”, “Kauma”, “Shet”, “Aba!”, “Salamat ah!”, “Sorry ah”, “HOY!” at kung anu-ano pang tono ng pananalita. 

:) Mahal ko ang ABC 401.

Sa mga Prof:

Mam Panganiban. The Absolute Truth

Mam Baybay. Mushroom Burger

Sir Bagay. Beauty-Brawn-Brains

Sir Hayag. Busy-bee

Mam “nakalimutan-ko-ang-pangalan-pero-sa-kanya-nanggaling-ang-‘CHOR’”

Mam Genuino (?). Walkout

Mam Casela. The Raven.

Sir Eusebio. The Chemistry + The Dulas

Sir Nye. Regular Guy

Mam Baytan. The Poging Hubby

Mam Desingano. Psych!

Mam Porcioncula. Master Thesis.

Sir Vlad. *Hintuturo-sa-may-ilalim-ng-ilong-sabay-turo*

Sir Mark. The Master Photographer.

Mam Gail. Fashionista-Inglesera-the best kayo mam.

Mam Gane. Denslist

Mam Lopez. Magsaysay

Mam Aby. Alam-nyo-toh-eh

Sir Vonn. Ang Ama.

Sir R.S. Nympha-Tatarin-MOOO!!!-FAMY

Mam Zamora. the LPU Calamba.

- tanners. miss tamisen. tantan. 

Text

Pagmumuni-muni

Iniisip ko pa rin ngayon kung anu-ano ang sasabihin ko sa blog na toh. Naisipan ko lang naman gawin toh kasi minsan may mga diskusyon sa utak ko na pakiramdam ko na kailangan ko ilathala para ba may “outlet” ako. hirap kasi minsan kapag naiipon yung impormasyon at emosyon sa utak at puso. nakak-baliw. nakaka-stress. nakaka-loka. 

Text

Patulog na pero magsisimula pa lang

Tribute para sa mga inaantok na pero ngayon pa lang naisipan simulan ang mga bagay na dapat kanina pa sinimulan. Katulad ng paghuhugas ng pinggan, paggawa ng takdang-aralin, pagligo, pagkain, atbp. 

Tandaan hindi laging “it’s better late than never” 

upang makilala ako ng lubusan pindotin lang ito AGH!